WP-ORG Main Image
View a eulogy for Luciano Linsangan Gaboy, USMA '76, who passed away on January 31, 2018.

Luciano Linsangan Gaboy

West Point, 1976

Be Thou At Peace

Posted by Diana Rose Gaboy Dominguez on June 6, 2020:

MY DAUGHTER"
buong pag-aangkin,
pagmamalaki,
panggigigil...
Binibigkas mo ito kasabay ng mahigpit na yakap mo,
Magpumiglas man ako'y sinisigurado mong di ako makaka alpas sa mga bisig mo.
Hanggang sa mabaon sa puso't isip ko na ang mga wagas mong yapos at halik ang panghahawakan ko,
magsisilbing paalala na wala ka man sa tabi ko'y, kailanman di ako nawala sa puso mo...

Sa klase ng trabaho ni Popcy, madalas na hindi namin sya nakakasama. Gayunman, hindi ito naging hadlang upang kanyang maitaguyod ang pamilya at mapalaki ng maayos ang kanyang mga anak. His absence was never felt as it was always compensated with love, care and guidance. Lagi niyang ipinamamalas ang pagmamahal at pamumuno ng isang haligi ng tahanan, na palaging bahagi ng desisyon, at patuloy na pumapatnubay kasabay ng aming bawat hakbang sa buhay. Never namin naramdaman na malayo siya.


Sariwa pa sa aking isipan, larawan ng isang amang huwaran
Magiliw na nakangiti sa kanyang pagsalubong, anuman ang pagdaanan
Kung paanong hindi matatawaran,
napakabuti mong kalooban,
hayaan mong ika'y maging paksa at sa kanila'y aking ilarawan...

Lingid sa kaalaman ng marami na sa likod ng matapang at matuwid na tindig ni Popcy, ay may natatagong katangian na talaga namang nakatunaw sa puso ng karamihan. Si Popcy ay:
a) isang musikero - magaling kumanta at sasabayan nya pa ito ng gitara
b) isang manunulat
c) minsang nangarap na maging artista
d) gustong maging direktor at may-akda ng isang pelikula
e) isang joker - bago pa man nauso ang hugot lines, hitik na hitik na ang utak nya sa joke bars na medyo intellectual. minsan mahirap ma-gets. hehe
f) has a soft heart to the less fortunate - makikita mo na lang sya na nakikipag-usap sa mga pulubi. maya maya close na sila
g) good listener and adviser,
at higit sa lahat...
h) loverboy at pinakagwapo sa paningin naming lahat


Malaki nga siguro masyado ang iyong puso,
Maraming sisidlatn at kwarto
Kung saan kaligayahan ay iniipon,
Di pa man puno, iyo nang itatapon
Para mapakinabangan ng mga nangangailangan
Walang pag aalinlangan, ikaw man ay maubusan,
Dahil ang pagbabahagi ng kasiyahan
ang tunay mong kaligayahan.

Ayan si Popcy. He's always ready to share his happiness with others. Generous, selfless, forgiving, and a simple man who wished nothing else but a simple life with his big, happy family. One who never fails to remind that:
a) Life is what you make it
b) Ang buhay ay parang life
c) Tawanan mo ang problema
d) There's always a solution to a problem
At ang most famous line nya na...
e) Wherever you are, you are there.
...Hindi naman sya nagkamali. Hehe

Maraming maraming salamat Popcy sa mga ngiti at halakhak na nailapat mo sa aming mga mukha.
Lubos kitang pinagmamalaki't hinahangaan, at ang katunayan...
Higit pa sa saludo't karangalan ang akin sayo'y ipadadala.

Pagiging sundalo nga'y pinanindigan mo na...
Walang bakas ng kahinaan,
Nakakatampo rin minsan,
Mabigat na pala ang iyong pinapasan,
Hindi pa namin namamalayan.

Never ko sya nakitaan ng weakness. He's always been that person of positivity, my ideal image of strength and courage, living to his teachings and pieces of advice. Na pag pinanghihinaan ako ng loob, tingnan ko lang sya, mapapatanong na ko sa sarili ko kung anong karapatan kong sumuko.

Daddy, sana alam mo na alam ko at naming lahat that you've done your part, you've stood and made your role, like no one could have done it better... as a parent, a sibling, and a friend. It's very hard to bear the pain & sadness you might had been through. Kaya naman, magpahinga ka na. It's now my turn to live to what you've taught me, to what you've shown me, to what you've made me feel.


Sabi ko nga, i will let this be a celebration of how you've lived. Hindi pa naman huli, at kailanman hindi magiging huli, ang pagkakataon para mapakita sa'yo at maibalik ang lahat ng kabutihan na nagawa mo para samin.

We will always make you feel proud, dahil taglay namin ang mga turo ng isang Luciano Gaboy.


"MY DAUGHTER"
Mga salitang di ko na muling maririnig
Mamutawi sa mga labi ng iyong bibig
Ngayon pa lamang, ako na'y nanginginig
Sa isiping wala ka na, gayunpama'y mananaig
Ang ipinunla mong pag-ibig.

I am your #1 fan, as it will always be. You are my superhero, my idol. And I want you to know that you never failed to be the best father to us.

"MY FATHER"
sana kaya ko pang maibalik lahat ng yakap mong mahigpit.
pabaon ko sayo sa langit, ang mga ngiting walang bahid pait
asahan mong di ka mawawaglit saking puso't isipan, kahit isang saglit.

Mawalan man ng saysay ang "keep in touch," hindi maglalaho ang "keep in heart"
Dahil mananatili ka sa puso ko, ng bawat isang taong napasaya mo, natulungan mo, naturuan mo, at naginge bahagi ng makulay mong buhay.

Mahal na mahal ka namin Popcy, hanggang sa muling pagkikita!

Previous Eulogy   Next Eulogy
admin

West-Point.Org (WP-ORG), a 501(c)(3) non-profit organization, provides an online communications infrastructure that enable graduates, parents, and friends of the military academy to maintain and strengthen the associations that bind us together. We will provide this community any requested support, consistent with this purpose, as quickly and efficiently as possible. WP-ORG is funded by the generosity of member contributions. Our communication services are provided in cooperation with the AOG (independent of USMA) and are operated by volunteers serving the Long Gray Line. For questions or comments, please email us at feedback@west-point.org.